Bloodletting Activity, isinagawa sa GenSan
Isinagawa ang bloodletting activity na ginanap sa Robinsons Place, Barangay Lagao, General Santos City nito lamang ika-25 ng Enero 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng PNP General Santos City Internal Affairs Service, Maribulan Masonic Lodge No 304, Royal Arch-Masons-T’nalak Chapter No 35, Barangay Lagao at Philippine Red Cross.
Layunin ng aktibidad na ito na makalikom ng dugo upang magamit ng mga pasyenteng nangangailangan at makatulong sa pagligtas ng buhay.
Naglalayon din itong magpalaganap ng kamalayan sa kahalagahan ng regular na donasyon ng dugo.
Isa rin ito sa “Core Values” ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na “Makatao” na may layunin na magbigay ng tulong sa ating komunidad.