Unity Walk, Peace Rally and Covenant Signing, isinagawa sa Bauan Batangas
Sa isang makabuluhang pagpapakita ng pagkakaisa, at pangako sa mapayapang halalan sa mga Kandidato sa Pulitika, nagkaisa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mamamayan sa ginanap na Unity Walk, Peace Rally at Covenant Signing na ginanap noong Enero 30, 2025 bandang alas 7:00 ng umaga sa Bauan, Batangas.
Ito ay pinangunahan nina Ms. Gene B. Barte (Election Officer IV), Rev. Ptr. Randy P. Balmes (Riverview Bible Baptist Church-Bauan), at Mr. Celio C. Francia (MLGOO) kasama ang mga tauhan ng Bauan MPS sa panguguna ni PLtCol Ryan M Hernandez.
Sa ganitong aktibidad nangako ang mga kandidato sa mapayapang halalan. Ang inisyatibong ito, sa pakikipagtulungan ng Tagapamayapa Tension Teams (TTTs) at bahagi ng isang pambansang kampanya na naglalayong tiyakin na ang 2025 Elections ay magaganap sa isang kapaligiran ng pagkakasundo, katarungan, at transparency.
Habang papalapit ang Midterm National and Local Election 2025, ang simbolong ito ng pagkakaisa ay nagbibigay pag-asa para sa maayos na halalan at nagsisilbing paalala na ang kapayapaan ang pundasyon ng demokrasya.