BPATs, nagsagawa ng Security Coverage sa Barangay Automated Counting Machine Roadshow
![](https://lingkodbayanblog.com/wp-content/uploads/2025/01/474469050_2848204318683055_2989622816944666311_n-1024x576.png)
Nagsagawa ng Security Coverage at Barangay Visitation ang Barangay Peace-keeping Action Team (BPATs) kasama ang mga miyembro ng Sergio Osmeña Municipal Police Station sa isinagawang Barangay Automated Counting Machine Demonstration at Roadshow na ginanap sa dalawang Barangay ang New Rizal qr Nuevavista Sergio Osmeña Zamboanga del Norte nito lamang ika , 29 ng Enero 2025.
Ang pangunahing layunin ng nasabing aktibidad ay magbigay ng mahalagang impormasyon at karagdagang tagubilin ukol sa wastong paggamit ng makina bilang paghahanda para sa nalalapit na Pambansa at Lokal na Halalan sa Mayo 12, 2025.
Ang BPATs at PNP ay nagsagawa ng pagbabantay at pag-iikot sa lugar upang tiyakin na ligtas at maayos ang kaganapan upang maiwasan ang anumang uri ng kaguluhan at masiguro ang kaligtasan ng mga kalahok at mga manonood.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng BPATs at pulisya, inaasahan na mas mapapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa Barangay New Rizal at Nuevavista sa buong bayan ng Sergio Osmeña sapagkat ang ganitong klaseng kooperasyon ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas at mas payapang komunidad.
![](https://lingkodbayanblog.com/wp-content/uploads/2025/01/472855932_1769471786930140_258195937472429511_n-1024x771.png)