Water Refilling Station Project, handog sa miyembro ng Libertad Farmers Association sa Capiz
Water Refilling Station Project, handog sa miyembro ng Libertad Farmers Association sa Capiz

Naisakatuparan ang makasaysayang turnover ceremony ng Water Refilling Station Project handog sa mga miyembro ng Libertad Farmers Association na ginanap sa Barangay Covered Gym ng Barangay Libertad, Tapaz, Capiz nito lamang ika-4 ng Marso 2025.


Ang proyekto ay nagkakahalaga ng Php650,000 mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng DOLE Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP).
Ang proyektong ito ay naglalayong magbigay ng malinis at murang tubig sa mga magsasaka at ibang mamamayan ng barangay, na magiging malaking tulong sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.


Isa sa mga pangunahing katuwang ng programang ito ay ang RPSB Team Libertad, na walang sawang sumusuporta sa mga inisyatiba ng pamahalaan para sa kaunlaran ng mga komunidad.
Pinangunahan ni PCol Albert D Tapulao, Provincial Director ng CPPO, ang delegasyon ng PNP sa naturang seremonya, sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pulisya, lokal na pamahalaan, at mga residente upang matiyak ang tagumpay ng proyekto.
Ang proyekto ay patunay ng malakas na ugnayan sa pagitan ng pamahalaan, mamayan, at ng PNP sa pagtataguyod ng mas ligtas at mas maunlad na kinabukasan para sa lahat.