Mass Blood Donation 2025 isinagawa sa Quezon, Palawan
Mass Blood Donation 2025 isinagawa sa Quezon, Palawan

Matagumpay na isinagawa ang mass blood donation 2025 na may temang “Blood Connect us all” na ginanap sa Barangay Alfonso Xlll, Quezon, Palawan nito lamang ika-4 ng Marso 2025.
Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pangunguna ng Philippine Red Cross na nilahukan ng mga tauhan ng 4th Platoon ng 1st Palawan Provicial Mobile Force Company, kasama ang Department of Education at iba pang kinauukulang ahensya at grupo.
Ang bloodletting activity ay hindi lamang simpleng pag-donate ng dugo, kundi isang simbolo ng ating pakikiramay at pagkakaisa sa pagtulong sa kapwa.
Sa bawat patak ng dugo, ito ay nakakapagbigay ng pag-asa at buhay sa mga nangangailangan. Naaayon din ito sa mga pangunahing pagpapahalaga sa pagiging “MAKATAO.