Kapehan sa Barangay, isinagawa

Isinagawa ang Kapehan sa Barangay at aktibong lumahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team sa Barangay bilang Best Practice ng Makilala PNP na ginanap sa Barangay Sinaktulan, Makilala, Cotabato nito lamang ika-26 ng Mayo 2025.

Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Dolly C Oranza, Officer-In-Charge ng Makilala Municipal Police Station ang nasabing aktibidad.
Sa aktibidad na ito ay nagsasagawa ang pulisya ng mga lectures at ipinaalam sa mga tao ang kanilang mga karapatan, tungkulin, at responsibilidad.
Tinukoy din ng mga isyu at alalahanin sa komunidad.
Layunin ng best practice na ito na magkaroon ng pagkakaisa ang pulisya at komunidad sa pagtamo ng mas maayos at ligtas na lugar. Ito rin ay isang inisyatibo upang matuunan ng pansin ang mga issue sa lugar upang mabigyan ng agarang aksyon.