Force Multipliers, nakiisa sa isinagawag Bloodletting Activity sa Iloilo City

0
viber_image_2025-07-23_15-57-36-772

Sa patuloy na pagdiriwang ng ika-30 Police Community Relations (PCR) Month, matagumpay na nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinakatuparang Bloodletting Activity ng Police Regional Office 6 (PRO6), sa pamumuno ni PBGEN JOSEFINO D LIGAN, Regional Director ngayong ika-23 ng Hulyo 2025, sa Multi-Purpose Hall, Camp BGEN Martin Teofilo B Delgado, Fort San Pedro, Iloilo City.

Ang aktibidad ay isinagawa sa temang “Donate Blood as Gift: A Little Pain, A Life to Gain”, na may layuning bigyang-diin ang kahalagahan ng donasyon ng dugo bilang isang makabuluhang ambag sa pagligtas ng buhay.

Bilang inisyatiba ng kapulisan sa gawaing ito naging katuwang nila ang mga miyembro ng Sambayanan Defense Force Multiplier, at voluteer individuals na buong puso at aktibong lumahok sa aktibidad.

Ang kanilang presensya ay hindi lamang dagdag sa dami ng donors, kundi simbolo rin ng matibay na ugnayan at pagtutulungan ng kapulisan at ng mamamayan sa iisang layunin, ang maghatid ng pag-asa at paglingap sa kapwa.

Mqsigasig na nanguna ang mga personnel ng PRO6 sa pagbibigay ng dugo, bilang pagpapakita ng kanilang dedikasyon sa serbisyong higit pa sa kanilang tungkulin.

Ang aktibidad ay naging maayos at organisado, patunay sa epektibong koordinasyon ng PRO6 at ng mga katuwang mula sa komunidad.
Source: PCADG WESTERN VISAYAS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *