Safety Lecture para sa mga batang mag-aaral, isinagawa

Isinagawa ang isang makabuluhang aktibidad ng mga tauhan mula sa Santo Tomas Municipal Police Station noong Hunyo 23, 2025 sa Day Care Center ng Barangay Visayas, Santo Tomas, Davao del Norte.

Namahagi ng kaalaman tungkol sa mga safety tips para sa mga batang mag-aaral.

Sa layuning maprotektahan at maturuan ang mga bata ukol sa tamang pag-iingat sa araw-araw, masiglang itinuro ng mga pulis ang mga simpleng paraan kung paano makaiwas sa panganib, tulad ng hindi pakikipag-usap sa estranghero, pagtawid sa tamang tawiran, at kung ano ang dapat gawin kung sila ay maligaw o makaramdam ng takot.

Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP na palakasin ang ugnayan ng mga alagad ng batas sa komunidad, lalo na sa mga kabataan.

Sa tulong ng mga masayang awitin, at mga interactive na tanungan, naging mas kapana-panabik at kapupulutan ng aral ang ginawang lecture.

Ang ganitong inisyatibo ay patunay na ang seguridad at edukasyon ay maaaring magsanib-puwersa upang makabuo ng mas ligtas at maalam na susunod na henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *