“Kapihan sa Barangay”, Isinagawa ng Virac MPS

0
viber_image_2025-07-01_10-31-21-873

Virac, Catanduanes – Sa patuloy na pagsusumikap na paigtingin ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at mga mamamayan, matagumpay na idinaos ng Virac Municipal Police Station (MPS) ang programang “Kapihan sa Barangay” sa Covered Court ng Barangay San Vicente noong Hunyo 26, 2025, ganap na alas-7:30 ng umaga.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni PLTCOL Louie Manuel D De la Peña, Chief of Police ng Virac MPS, katuwang ang mga opisyal ng barangay, kinatawan ng iba’t ibang sektor at organisasyon, at mga residente ng komunidad. Dumalo rin bilang panauhing pandangal si PCOL Edward D. Quijano, Provincial Director ng Catanduanes Police Provincial Office (CATPPO), na nagbahagi ng mensahe ng suporta at panawagan para sa mas matatag na kooperasyon sa pagitan ng kapulisan at taumbayan.

Layunin ng programa ang palalimin ang tiwala, pagpapalitan ng pananaw, at bukas na komunikasyon sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at mga mamamayan. Sa forum, tinalakay ang mga kasalukuyang crime trends, mga update sa seguridad, at mga estratehiyang ipinatutupad ng pulisya upang masigurong panatilihin ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa barangay.

Source: Virac Mps Catppo
PCpl Doxie Charesse C Casasos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *