Mga kabataan sa Dolores, Eastern Samar, nakiisa sa Libreng Tuli at Libreng Gupit
Matagumpay na nag-avail ang mga kabataan sa Dolores, Eastern Samar sa inilunsad na Libreng Tuli at Libreng Gupit nito lamang May 12, 2026.
Ang programa ay pinangunahan ng mga tauhan ng 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company (1st ESPMFC), sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ MARVAL S DIAZ, Officer-in-Charge, na ginanap sa 1st ESPMFC Headquarters, Brgy. 15/Lunang ng nasabing bayan.

Naging posible ang nasabing inisyatiba sa pamamagitan ng donasyon at suporta ng mga stakeholders at private individuals na nagpaabot ng kanialng mga tulong para sa aktibidad.
Kabilang sa mga nakiisa sa aktibidad ang mga tauhan ng Eastern Samar Provincial Medical and Dental Team (ESPMDT), sa pangunguna ni PCPT ERWIN D YBUAN, Officer-in-Charge; mga tauhan ng Dolores MPS sa pamumuno ni PMAJ EUMORPHO C BATLANGAO, ACOP; mga tauhan ng 52nd Infantry Battalion sa pangunguna ni LTC SANDY U SERENO, INF (GSC) PA; at si Ms. Daisy Amor Lalosa-Belizar, Acting Broadcaster Production Supervisor ng Radyo Pilipinas Borongan.
Lubos namang nagpasalamat ang 1st ESPMFC kay Ms. Keena M. Mate, RN, MAN, sa pagsponsor nito ng mga medical supplies, surgical instruments, at mga medisina para sa programa, kasama ang Local Government Unit ng Can-avid, sa pamumuno ni Hon. Alicia L. Teves, Municipal Mayor, sa kanilang logistical support para sa katagumpayan ng nasabing Community Outreach Program.