SPAG Region 7, nagsagawa ng Courtesy Call para sa 4th SPAG National Summit

0
viber_image_2026-05-15_12-58-37-239

Nagsagawa ng courtesy call at coordination meeting ang mga opisyal ng Salam Police Advocacy Group (SPAG) Region 7 noong Mayo 12, 2026 para sa nalalapit na 4th SPAG National Summit na gaganapin sa MICE Center, Quezon City.

Pinangunahan ito ni SPAG National Peace Officer at Vice President ng SPAG Region 7 na si Aariz Zahid Pilapil, kasama sina SPAG-Balamban officers Noor Hadiyah Eira at Norhaya Decampong at iba pang kasamahan.

Isinagawa ang courtesy call sa tanggapan ng RCADD sa PRO7 Headquarters kung saan nakipagpulong ang grupo kay PCol Atty. Antonieto Cañete, Chief ng RCADD, PRO7. Sinundan ito ng courtesy visit sa Cebu Provincial Police Office (CPPO) kay PCol Abubakar U. Mangelen, Provincial Director ng CPPO, kasama si PMaj. Sam Dacullo, Chief ng PCADU, upang pormal na ihain at talakayin ang kanilang mga layunin para makalikom ng suporta para sa mga delegado ng SPAG Region 7.

Nagpahayag naman ng buong suporta ang dalawang tanggapan para sa matagumpay na partisipasyon ng SPAG Region 7 sa naturang pambansang pagtitipon.

Ayon sa grupo, ang pagkakaisa at suporta ng mga lider ay magsisilbing inspirasyon upang lalo pang mapalakas ang kanilang adbokasiya at serbisyo para sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *