Advocacy Support Group, nagsagawa ng Tree Planting Activity sa Negros Occidental

0
viber_image_2025-07-01_17-00-00-089

Sa isang makabuluhang hakbang tungo sa pangangalaga ng kalikasan, masigasig na nagsagawa ng tree planting activity ang mga miyembro ng advocacy support group sa Sitio Lantawan, Barangay Guimbala-on, Silay City nito lamang ika-27 ng Hunyo 2025.

Ang aktibidad ay bahagi ng selebrasyon ng Environment Week na may temang “Ending Plastic Solution.” Layunin ng nasabing aktibidad na pagtibayin ang kamalayan ng komunidad sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at ang pagtutulungan ng bawat sektor para sa isang luntiang kinabukasan.

Nakilahok din sa aktibidad ang mga kapulisan ng Silay Component City Police Station sa superbisyon ni PLTCOL MARK ANTHNOY D DARROCA, Chief of Police kasama ang Silay City LGU at Environment and Natural Resources Office (ENRO)

May kabuuang mahigit 2,000 punong Narra at Udling ang naitanim ng mga nakilahok , Ang pagtatanim ng mga punong kahoy ay hindi lamang naglalayong pagandahin ang kapaligiran, kundi isa ring hakbang sa rehabilitasyon ng kalikasan at sa pagharap sa epekto ng climate change.

Habang tumutubo ang bawat punong itinanim, sabay rin nating itinatanim ang pag-asa para sa isang mas luntian, mas ligtas, at mas magandang kinabukasan para sa susunod na henerasyon.
Source : PCADGWesternVisayas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *