Force Multiplier, nakiisa sa Oplan Bulabog, Oplan Bakal Sita, at Curfew ng mga Minors sa Cebu

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para mapanatili ang katahimikan at seguridad sa lungsod, matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng Danao City Police Station ang magkakasunod na operasyon sa ilalim ng Oplan Bulabog, Oplan Bakal Sita, at Curfew ng mga Minors.

Ang operasyon ay isinagawa sa iba’t ibang barangay sa Danao City, Cebu noong Hulyo 14, 2025 mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 2:30 ng madaling-araw ng Hulyo 15, 2025.

Pinangunahan ang operasyon ni PLt Wenceslao Salimbangon, Deputy Chief of Police for Administration, sa ilalim ng direktang superbisyon ni PLtCol Hendrix P. Bancoleta, Chief of Police. Katuwang nila sa operasyon ang mga augmented personnel mula sa JLC, 1st PMFC, mga Patrol Police (Force Multipliers), at kinatawan ng City Social Welfare and Development (CSWD).

Sama-samang inikot ng grupo ang ilang mga barangay ng lungsod upang magsagawa ng inspeksyon at pagpapatupad ng batas.

Ang mga ganitong aktibidad ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng kapulisan upang maiwasan ang krimen, maprotektahan ang kabataan, at mapanatili ang kaayusan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *