Bloodletting Activity, idinaos kasabay ng pagdiriwang ng 30th PCR Month sa Eastern, Samar
Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa isinagawang Bloodletting Activity kasabay ng pagdiriwang ng 30th PCR Month na ginanap sa Maslog Gymnasium, Eastern Samar nito lamang Hulyo 14, 2025.
Ang aktibidad ay nilahukan ng Maslog Municipal Police Station kasama ang mga kawani ng Local Government Unit ng Maslog, Armed Forces of the Philippines, Rural Health Unit sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross – Eastern Visayas Chapter.
Ang kaganapan ay sinuportahan din ng mga dedikadong volunteers mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad, kabilang ang mga opisyal ng barangay, youth leaders at civic-minded residents.
Ang nasabing aktibidad ay may temang “DUGO MO, SUMPAY HAN KINABUHI KO” na naglalayong makalikom, makatulong at makapagbahagi ng libreng dugo sa mga pasyenteng may malalang karamdaman at nangangailangan ng dugo upang madugtungan ang kanilang buhay.
Itinatampok ng sama-samang pagsisikap ang tunay na diwa ng bayanihan, pakikiramay, at serbisyo publiko. Sinasalamin nito ang pinag-isang pangako ng PNP at ng mga katuwang nito sa pagtataguyod ng kalusugan, pagliligtas ng buhay, at pagpapalakas ng ugnayan ng pulisya-komunidad.