Road Safety Advocacy Ride, naisakatuparan ng PDRRMO bilang pagbubukas ng NDRM 2025 sa Palawan
Bilang pambungad na aktibidad para sa National Disaster Resilience Month (NDRM) ngayong buwan, matagumpay na naisakatuparan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang Road Safety Advocacy Ride nito lamang, Hulyo 13, 2025.
Lumahok sa nasabing aktibidad ang nasa 300 motorcycle riders, katuwang ang mga kapulisan ng Puerto Princesa City sa pagpapanatili ng katahimikan sa naturang aktibidad, kung saan isinagawa ang adbokasiya mula sa Lungsod ng Puerto Princesa patungong mga bayan ng El Nido at Bataraza.

Ayon kay PDRRM Officer Jeremias Y. Alili, layon ng aktibidad na isulong ang adbokasiya para sa pagpapaigting ng kaligtasan sa kalsada at kahandaan sa panahon ng sakuna.
Pinagkalooban naman ng mga sertipiko ang lahat ng lumahok na riders at mga ahensyang naging katuwang ng PDRRMO sa nasabing aktibidad.
📷:PDRRMO/PIN
Source: PIO Palawan