BPATs Training, isinagawa ng Catanduanes 1st Provincial Mobile Force Company
Naging matagumpay ang isinagawang BPATs Training ng Catanduanes 1st PMFC, 2nd Maneuver Platoon na pinangunahan ni Pat Frederick T Parba, sa ilalim ng pamumuno ni PLT ABDULFATAH I PANSAR, Platoon Leader, sa mga kasapi ng Barangay Peace Keeping Action Team (BPATS) ng Barangay JMA, Baras, Catanduanes nitong July 13, 2025.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong mapabuti at mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATS) bilang katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at seguridad sa loob ng kanilang barangay.

Bukod dito, nagsagawa din ng lecture sa mga negatibong epekto patungkol sa insurhensya kriminalidad at illegal na droga sa lahat ng ating komunidad.
Patuloy ang Catanduanes 1st PMFC sa pagbibigay ng makabuluhang serbisyo para sa kaligtasan at kapakanan ng mga Catandunganon. Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, mas pinagtitibay pa ang ugnayan ng kapulisan at ng pamayanang kanilang pinaglilingkuran.
Source: Cat 1st Pmfc