42nd National Children’s Book Day Celebration, ipinagdiwang sa Alaminos Central School
Natuto, naglakbay at nag-enjoy ang mga kinder pupils ng Alaminos Central School maging ang kanilang mga magulang sa isinagawang story telling sessions sa Alaminos City Library (ACL) bilang bahagi ng pagdiriwang ng 42nd National Children’s Book Day nito lamang Lunes, Hulyo 15, 2025.

Layunin ng aktibidad, na pinangunahan ni City Librarian Virgie Aquino, na linangin ang kasanayan sa pagbabasa ng ating mga mag-aaral at palakasin pa ang parental involvement sa reading habit at skills ng kanilang mga mga anak at magkaroon ng malawak na pag-unawa at makakamit ang inaasam na magandang bukas.

Malaking tulong din ito sa pagkamit ng “literacy development” sa lungsod ng Alaminos sa tulong at gabay ng mga magulang at mga education stakeholders.
Source: Alaminos LGU