Clean-up Drive, isinagawa sa Bukidnon

Matagumpay na isinagawa ang Clean-up Drive sa Sitio Ilignan, Zone 1, Barangay Guihean, Impasug-ong, Bukidnon nito lamang ika-13 ng Hulyo 2025.

Tulong-tulong ang mga residente, kabataan, at Brgy. officials sa pag-iikot sa naturang barangay upang makapulot ng mga basura at tanggalin ang mga matataas na damo sa paligid.

Tinatayang nasa  pitong sako ng iba’t ibang basura ang nakolekta ng naturang grupo.

Layunin ng aktibidad na alisin ang mga basura upang mapanatiling malinis at maayos tingnan ang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *