BPATs ng Barangay Lanna, nakilahok sa talakayan ng PNP Enrile
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Team sa isinagawang dayalogo ng mga tauhan ng Enrile Police Station sa Barangay Lanna, Enrile, Cagayan nito lamang ika-20 ng Hulyo taong kasalukuyan.
Ito ay pinangunahan ni PMSg Josephine Condat, MCAD/WCPD PNCO ng Enrile Police Station.
Layunin ng nasabing aktibidad na pagtibayin ang koordinasyon para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa nasabing barangay.
Tinalakay rin ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng mga opisyal ng barangay sa mga kampanya kontra kriminalidad, gayundin ang mabilis na pagbabahagi ng impormasyon upang maagapan ang anumang banta sa seguridad ng komunidad.
Ang naturang dayalogo ay bahagi ng patuloy na programa ng Enrile Police Station upang palakasin ang ugnayan sa komunidad at itaguyod ang isang ligtas at maayos na pamayanan sa buong bayan ng Enrile.
Source: Enrile MPS