Alay Lakad Hakbang Tacloban 2025, nilahukan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan

0
viber_image_2025-07-21_14-03-34-546

Nakilahok ang iba’t ibang ahensya at organisasyon ng pamahalaan sa isinagawang Alay Lakad Hakbang Tacloban 2025 bilang pakikiisa sa PWD Community na ginanap sa Rizal Plaza, Tacloban City nitong nakaraang Linggo ng umaga, Hulyo 20, 2025.

Ang aktibidad ay inorganisa ng Tacloban City PWD Association Inc., katuwang ang JCI Tacloban Kankabatok, na nilahukan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya at organisasyon ng gobyerno sa Tacloban City kasama ang mga tauhan ng Tacloban City Police Office sa pamumuno ni Police Colonel Noeliton A Getigan, City Director.

Ang Alay Lakad Hakbang Tacloban 2025 ay may temang “Hakbang Ko, Tulong para sa may Kapansanan” ay bahagi sa pagdiriwang ng National Disability Rights Week 2025 (dating National Disability Prevention and Rehabilitation Week). Ito ay isang Fundraising activity na may layuning makabili ng Wheelchair at Walker para sa mga PWD ng Tacloban.

Ang kaganapan ay naglalayong makalikom ng pondo para suportahan ang kanilang iba’t ibang programa at proyekto lalo na para sa kapakanan ng mga PWD sa Tacloban City.

-panulat ni Patrolwoman Sherie-ann Masi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *