Grupo ng mga kababaihan, nakiisa sa Drug Awareness at Anti-Criminality Lecture

Nakiisa sa Drug Awareness at Anti-Criminality ang mga kababaihan na ginanap sa Brgy. St. Francis II, Limay, Bataan noong Hulyo 16, 2025.

Ang aktibidad ay insiyatibo ng mga tauhan ng Limay Municipal Police Station sa pangunguna ni PMSg Ginalyn M. Soriben, PCR PNCO, sa ilalim ng superbisyon ni Police Major Jimmy Albert A. Decin, Chief of Police ng nasabing istasyon.

Naging katuwang sa aktibidad ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD), mga opisyal ng barangay, at pamunuan ng St. Francis National High School.

Layunin ng naturang programa na bigyang kaalaman ang mga residente tungkol sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot, mga hakbang sa pag-iwas sa krimen, at ang kahalagahan ng aktibong pakikiisa ng komunidad sa mga kampanyang isinusulong ng PNP.

Ang aktibidad ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng kapulisan sa pagbibigay ng edukasyon at seguridad sa bawat mamamayan tungo sa isang mapayapa at maayos na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *