Information Awareness Drive, isinagawa sa Angono, Rizal

0
viber_image_2025-07-17_15-41-18-734

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Police Community Relations (PCR) Month, matagumpay na isinagawa ang isang Information Awareness Drive sa Angono National High School, Brgy. Kalayaan, Angono, Rizal nitong Miyerkules, ika-16 ng Hulyo 2025.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pangunguna ng mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit (RPCADU) 4A sa pamumuno ni PLtCol Noel P. Valdez, Asst. Chief, sa ilalim ng pangangasiwa ni PCol Meldrid E. Patam, C, RPCADU 4A. Nakipagtulungan din sa aktibidad ang PDEG 4A, Angono MPS, at Pastor Austero Junie, Regional Coordinator MBK Philippines 4A.

Tinatayang 1,050 Senior High School students ng Angono National High School, kasama ang kanilang mga guro, ang lumahok sa programa. Tinalakay sa mga estudyante ang mahahalagang paksa tulad ng Anti-Terrorism, Anti-Illegal Drugs at mga hakbang tungo sa tagumpay sa buhay. Buong sigasig na nakibahagi ang mga kabataan sa mga diskusyon, na layuning mapalawak ang kanilang kaalaman sa seguridad at personal na pag-unlad.

Hinikayat din ang mga estudyante at guro na suportahan ang mga social media accounts ng kapulisan upang manatiling konektado sa mga programang pangkomunidad.

Layunin ng aktibidad na palalimin ang kaalaman ng kabataan at mga guro hinggil sa mga isyung panseguridad at kung paano sila maaaring maging aktibong katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang pamayanan.

Source: RPCADU 4A

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *