LGU Enrile, pinangunahan ang pagpupulong para sa Pre-Disaster Risk Assesment sa Cagayan

Pinangunahan ng Local Government Unit (LGU) Enrile, sa pamumuno ni Hon. Miguel B Decena, ang pagpupulong hinggil sa Pre-Disaster Risk Assessment para sa paghahanda bagyong Crising noong ika-17 ng Hulyo 2025 sa Municipal Hall ng Enrile, Cagayan.

Kasama ang Enrile Police Station, Cagayan Police Provial Office sa pamumuno ni PMaj Harold C. Ocfemia, Officer-In-Charge, Ginoong Don Erickson O Orje, Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, at iba pang kinauukulang ahensya sa emergency meeting.

Tinalakay din ang pagpapatupad ng direktiba sa forced evacuation protocols sa mga lugar na natukoy na mataas ang panganib para sa pagbaha, pagguho ng lupa at iba pang kaugnay na panganib sa Munisipyo ng Enrile kaugnay ng bagyong Crising.

Ang pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno katuwang ang PNP Enrile ay laging handa sa pagtulong at patuloy na maglilingkod para sa ligtas na komunidad lalo na sa panahon ng kalamidad.

Source: Enrile Pcr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *