BADAC Meeting, isinagawa sa Bohol

Isinagawa ng Talibon Municipal Police Station, sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ ROMAR T. LABASBAS, Chief of Police, ang isang barangay visitation at pagdalo sa pulong ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa Barangay Busalian, Talibon, Bohol noong ika-19 ng Hulyo 2025.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang ugnayan ng PNP at pamahalaang barangay para sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad.
Sa isinagawang pulong, tinalakay ang mga hakbang pang-seguridad kaugnay ng Barangay Drug Clearing Program ng PNP. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng kooperasyon ng barangay sa kampanya laban sa iligal na droga, at inilahad din niya ang kasalukuyang estado ng peace and order sa lugar.
Ang pagbabahaging ito ay may layuning bigyang-kaalaman ang BADAC at hikayatin ang mas aktibong partisipasyon ng mga miyembro nito.
Bukod sa kampanya kontra droga, tinalakay din ng grupo ang kampanya ng pamahalaan laban sa terorismo at suporta sa NTF-ELCAC, ang aktibong pakikilahok ng kabataan sa KKDAT, at ang kampanya kontra ilegal na sugal.
Ang lahat ng ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng PNP na masiguro ang kaligtasan at katahimikan ng bawat mamamayan.
Ang aktibidad ay isang patunay ng dedikasyon ng Talibon Police Station sa pagbibigay ng serbisyong tapat at makatao para sa mga barangay. Sa tulong ng BADAC at ng buong komunidad, patuloy ang PNP sa pagpapatupad ng mga programang magbibigay proteksyon sa mamamayan.