BPATs, lumahok sa Seminar sa Baguio City

Aktibong lumahok ang mga Barangay Peace-keeping Action Team (BPATs) sa isinagawang tatlong araw na seminar sa CDRRMO Building, Rock Quarry, Baguio City noong Hulyo 18, 2025.

Lumahok sa pagsasanay sina Tanod Danny Gaspar at Tanod June Jacala, kasama si Chief Joseph Osoteo, na nagsilbing kinatawan ng kanilang mga barangay bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-30 Police Community Relations (PCR) Month.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman, kakayahan, at papel ng BPATs sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang mga komunidad.

Tinalakay sa pagsasanay ang mga mahahalagang paksa tulad ng epektibong community policing, kahandaan sa sakuna, krisis management, at tamang pakikitungo sa mga mamamayan.

Bukod sa mga lecture, isinagawa rin ang mga practical exercises at scenario-based trainings upang hasain ang kahandaan ng BPATS sa pagharap sa iba’t ibang sitwasyon, lalo na sa usapin ng seguridad sa barangay.

Ang partisipasyon ng BPATs sa ganitong mga aktibidad ay patunay ng kanilang dedikasyon bilang unang linya ng seguridad sa barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *