KKDAT Natonin, nagsagawa ng Outreach Program

Matagumpay na nagsagawa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT Natonin ng isang outreach program sa Sitio Ambatutung, Saliok, Natonin, Mt. Province noong ika-19 ng Hulyo, 2025.

Katuwang ang mga tauhan ng Natonin Municipal Police Station na pinangunahan ni Police Lieutenant Bryane O Bacwaden, ang nasabing aktibidad, “Regalon Ti Ayat, KKDAT Donation of Love”, ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan sa Yes-O ng Natonin Stand Alone Senior High School (NSASHS).

Tampok sa aktibidad ang pamimigay ng mga damit sa mga bata at magulang ng nasabing lugar.

Pinalakas ng aktibidad na ito ang ugnayan ng komunidad at hinihikayat ang kabataan na bawasan ang paggamit ng mga gadget tuwing katapusan ng linggo sa pamamagitan ng pakikilahok sa makabuluhang outreach at paggugol ng oras kasama ang kanilang mga kamag-anak.

Layunin din nitong hubugin ang kabutihang asal ng mga kabataan gaya ng pagtulong sa kapwa at malasakit sa lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *