Drug Awareness at Anti-Vaping Symposium, isinagawa

Isinagawa ang Drug Awareness at Anti-Vaping Symposium na aktibong dinaluhan ng mga residente, lokal na opisyales ng barangay, at mga Persons Who Use Drugs (PWUDs) na inisyatibo ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ng Barangay Biasong, Dipolog City, Zamboanga del Norte nito lamang Hulyo 18, 2025.
Matagumpay na isinagawang symposium sa tulong ng City Health Office na pinangunahan no Hipolito Dalmacio, RN mula sa City Health Office katuwang ang Dipolog City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Edwin D Verzon.
Layunin ng symposium na magbigay-kaalaman hinggil sa mapanirang epekto ng iligal na droga at paggamit ng vape sa kalusugan at pamumuhay ng mga mamamayan.
Bahagi ito ng nagpapatuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga, na naglalayong palakasin ang kaalaman ng komunidad, hikayatin ang rehabilitasyon, at isulong ang isang malinis at ligtas na pamumuhay para sa lahat.

