Livelihood Skill Training Program, isinagawa sa Muntinlupa City
Ganadong nakiisa ang mga residente ng Muntinlupa City sa isinagawang Livelihood Skill Training Program na ginanap sa Biazon Covered Court, Barangay Poblacion ng lungsod nito lamang ika-13 ng Abril 2023.
Ang programa ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Barangay Poblacion Committee on Livelihood sa pangunguna ni Mrs. Lolita Alvarez katuwang ang Muntinlupa Revitalized-Pulis Sa Barangay (R-PSB).
Tinuruan ng mga Committee on Livelihood ang 50 na kalahok sa paggawa ng fabric conditioner, dishwashing liquid, at perfume making para sa karagdagang kita ng bawat isa.
Naglalayon ang programang ito na makapaghatid ng tulong sa mamamayan ukol sa pagnenegosyo para maiangat ang bawat pamilyang nasa mahirap na kalagayan.