Advocacy Support Groups at Barangay Officials nakiisa sa Community Outreach Program sa Maynila

Sta. Mesa, Manila β€” Ganadong nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Groups sa isinagawang Community Outreach Program na ginanap sa kahabaan ng Altura Extension St., Sta. Mesa, Manila nito lamang umaga ng Miyerkules, ika-12 ng Abril 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Punong Barangay Antonette Lacap ng Barangay 593, Bro. Jun Maniago ng Couples for Christ, Station Advisory Council at Calvary Foursquare Church katuwang ang mga tauhan ng SCADS sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Dionelle E Brannon, Station Commander sa lugar.

Namahagi ang grupo ng mainit na kape, pandesal at itlog sa mga residente ng lugar.

Naglalayon itong ipadama ang malasakit at pagmamahal ng grupo sa bawat isa na naghihikahos sa buhay upang magkaroon ng malalim na ugnayan ang mga residente ng nasabing lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *