Inter-Agency Meeting, isinagawa sa Maguindanao del Norte

0
513890619_1255552486359332_4972544123192830384_n

Matagumpay na isinagawa ang isang Interagency Meeting nito lamang ika-29 ng Hulyo 2025 sa Upi, Maguindanao del Norte.

Pinangunahan ng mga Barangay VAW Desk Officers ng nasabing bayan ang aktibidad katuwang ang mga tauhan ng Upi Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Captain Julius L. Yutob, Officer-In-Charge, na naglalayong ang pagpupulong na talakayin ang mga legal na proseso sa pagsasampa ng mga kasong may kaugnayan sa Violence Against Women and their Children.

Bukod dito, binigyang-linaw rin ang mga tungkulin at responsibilidad ng mga Barangay VAWC Officers sa pagbibigay ng tulong at gabay sa mga kliyente at biktima.

Bahagi rin ng nasabing aktibidad ang pagpapalakas ng ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng iba’t ibang ahensya upang matiyak ang maayos, maagap, at tamang paghawak sa mga kasong VAWC at iba pang Gender-Based Violence sa antas ng komunidad.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP laban sa karahasan sa kababaihan at kabataan, alinsunod sa adhikain ng Bagong Pilipinas para sa isang ligtas, mapayapa, at makataong lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *