PNP at Donate.Philippines, nagkaisa sa blood-letting activity sa PRO3

0
viber_image_2026-03-06_13-50-22-228

Nagtaguyod ng isang makabuluhang blood-letting activity ang Police Regional Office 3 (PRO3) katuwang ang Regional Mobile Force Battalion 3 sa Makatao Activity Center noong Marso 5, 2026. Ang programa ay isinagawa sa pakikipagtulungan sa Don@te.Philippines bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta ng Philippine National Police sa mga gawaing nagliligtas ng buhay at tumutulong sa komunidad.

Dumalo bilang panauhing pandangal si Ms. Myrna Reyes ng Don@te.Philippines, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng boluntaryong pagdo-donate ng dugo upang makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang tulong medikal. Sa kanyang mensahe, hinikayat niya ang patuloy na pakikiisa ng kapulisan at ng publiko sa ganitong mga inisyatiba na naglalayong magligtas ng buhay.

Nagbigay rin ng mensahe si PBGen Jess B. Mendez, Regional Director ng PRO3, na nagpahayag ng suporta sa adbokasiya ng Don@te.Philippines.

Ang aktibidad ay patunay ng matibay na ugnayan ng PNP at ng kanilang mga partner organizations sa pagsusulong ng malasakit sa kapwa at serbisyong tunay na nararamdaman ng mamamayan.

Source: PRO 3

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *