Mga mag-aaral ng Buenavista NHS sa Guihulngan City, nakiisa sa talakayan kaugnay sa NTF-ELCAC

0
viber_image_2026-03-07_09-45-33-347

Aktibong nakiisa ang mga mag-aaral sa Buenavista National High School sa talakayan tungkol sa mga usaping may kaugnayan sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at sa iba pang mga programa ng pamahalaan na may kaugnayan dito nito lamang March 6, 2026 sa Barangay Buenvista, Guihulngan City, Negros Oriental.

Pinangunahan ang naturang talakayan ng mga tauhan ng 3rd Maneuver Platoon, 2nd Provincial Mobile Force Company, sa pangunguna ni PLT JEROME C DELARA., Platoon Leader.

Kabilang sa mga tinutukang usapin ang mga programa ng pamahalaan kontra terorismo, mga anti-insurgency efforts, anti-illegal drugs advocacy, crime-prevention tips, public awareness ng Anti-Rape Law (RA 8353), MAKABATA Helpline 1383, misinformation awareness, at iba pang mahahalagang usapin kaugnay sa pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko maging sa pagsugpo ng kriminalidad.

Layunin ng nasabing inisyatiba na bigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan upang maging mapanuri sila sa mga impormasyong kanilang makakaharap at upang maging responsable silang katuwang sa pamayanan partikular na sa pagkakaroon ng ligtas, payapa, progresibo at desiplinadong komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *