Kababaihan Members, nakiisa sa talakayan sa Sariaya, Quezon

0
viber_image_2025-08-03_15-04-08-752

Bilang bahagi ng layunin ng Philippine National Police na mapalakas ang kaalaman, tiwala sa sarili, at partisipasyon ng mga kababaihan sa pagsusulong ng ligtas na pamayanan, isinagawa ng Sariaya Municipal Police Station ang isang lecture at community dialogue sa ilalim ng Project JUANA nitong Agosto 2, 2025 sa Barangay Sampaloc 1, Sariaya, Quezon.

Pinangunahan ni Pat Charity Lumabi, PCAD PNCO, sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Jezreel L. Calderon, OIC, ang talakayan ukol sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at pagbabahagi ng Crime Prevention Tips kaugnay ng 8 focus crimes.

Nagpakita ng matibay na suporta ang mga kababaihang dumalo mula sa mga lider ng barangay hanggang sa mga ina ng tahanan na handang makiisa sa mga adbokasiya ng PNP tungo sa isang mapayapa, ligtas, at maayos na bayan.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng sapat na kaalaman ang kababaihan upang mas maprotektahan nila ang kanilang sarili, pamilya, at komunidad laban sa banta ng kriminalidad at iligal na droga. Higit pa rito, pinalalakas ng programa ang papel ng kababaihan bilang mga tagapangalaga ng kapayapaan at tagapaghatid ng impormasyon sa hanay ng kapulisan.

Source: Sariaya Qppo Pcad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *