SM Cares, nagsagawa ng operation tulong lungsod ng San Fernando, La Union
Patuloy ang pagpapamalas ng malasakit ng SM Foundation Inc. sa pamamagitan ng SM Cares matapos isagawa ang Operation Tulong Express sa Barangay Sevilla noong Hulyo 31, 2025, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Bago ang pamamahagi ng ayuda, personal na bumisita ang SM Cares team, sa pangunguna nina Assistant Mall Managers Mr. Drake J. Lim at Ms. Miriam C. Baula, kay San Fernando City Mayor Hermenegildo A. “Manong Dong” Gualberto upang ibahagi ang kanilang inisyatiba. Buong puso ang pasasalamat ni Mayor Gualberto sa kanilang tulong.

Kasama rin sa tumanggap at nagpaabot ng pasasalamat ay sina Vice Mayor Hon. Pablo C. Ortega, City Councilors Hon. Ramon F. Laudencia at Hon. Joseph Clarence DG Valero, OIC City Public Employment Services Office Manager Mr. Roderic D. Gacayan, at Social Welfare Officer III Mr. Aegean Ral Q. Aquino.
Namahagi ang grupo ng 538 kalinga packs sa mga residente ng Barangay Sevilla sa ginanap na relief operation sa covered court ng barangay. Bukod dito, 289 kalinga packs naman ang naipamahagi sa Barangay San Vicente na nakatakdang ipamahagi rin sa mga nangangailangang pamilya.
Ang inisyatibang ito ay malinaw na patunay ng diwa ng bayanihan at malasakit sa kapwa, lalo na sa panahon ng pangangailangan.
Source: City Government of San Fernando, La Union