Tree Growing Activity, idinaos sa Makilala, Cotabato
Matagumpay na idinaos sa tree growing activity na nilahukan ng mga LGU at iba pang stakeholders na ginanap sa New Bulatukan, Makilala, Cotabato nito lamang ika-4 ng Agosto 2025.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Makilala Municipal Police Station ang nasabing aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Casimiro Oranza, Hepe ng nasabing istasyon.
Katuwang din ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at mga opisyales ng barangay.
Tulong-tulong ang mga nakiisa sa pagtatanim ng 100 mga puno sa tabing-ilog.
Layunin ng mga ganitong aktibidad na mas mabigyang halaga ang pangangalaga sa kapaligiran. Ito din ay isang paraan ng reforestation o pagsasaayos ng mga nasirang kagubatan.
Ang sama-samang pakikiisa sa ganitong aktibidad ay nagpapahiwatig ng malaking suporta sa pagsasaayos ng ating kalikasan. Sa pamamagitan nito ay mas hinihikayat pa ang mga miyembro ng komunidad na magbigay din ng suporta at pakikisa sa ganitong gawain para sa mas makabuluhang layunin.


