Information Awareness Seminar, pinangunahan ng RPCADU 5 sa San Antonio NHS sa Tabaco City
Matagumpay na pinangunahan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 5 (RPCADU5) ang isang Information Awareness Seminar sa San Antonio National High School, Brgy. San Antonio, Tabaco City, Albay noong Agosto 4, 2025.
Ang nasabing seminar ay isinakatuparan sa pangunguna ni PSSg Mercolito P. Lovendino Jr., Public Information PNCO, sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ NESSER V NABOL, Officer-in-Charge.
Dinaluhan ito ng mga estudyante ng Senior High School ng nasabing eskwelahan, na aktibong nakiisa sa mga talakayan.
Ilan sa mga pangunahing paksang tinalakay ay ang pag-iwas sa iligal na droga, pagsugpo sa terorismo, at ang mahalagang papel ng kabataan sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Layunin ng seminar na itaas ang kamalayan ng mga mag-aaral sa mga usaping panlipunan, batas, at kaligtasan, at higit sa lahat, mahubog sila bilang responsableng mamamayan na katuwang ng pamahalaan sa pagpapanatili ng isang ligtas at mapayapang lipunan.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya ng kapulisan na palakasin ang ugnayan ng pulisya at kabataan sa pamamagitan ng edukasyon at aktibong partisipasyon sa mga gawaing pangkomunidad.
Source: PCADG Bicol Region