Mga mag-aaral ng Katipunan Elementary School, nakiisa sa Symposium Activity ng RPCADU 7 sa Bohol
Aktibong nakiisa ang mga mag-aaral sa Symposium Activity na ginanap sa Katipunan Elementary School, Barangay Katipunan, Sagbayan, Bohol, noong ika-5 ng Agosto 2025.
Pinangunahan ito ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 7 (RPCADU 7) bilang bahagi ng kanilang patuloy na kampanya para sa mas matibay na ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng sektor ng kabataan.
Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, nabibigyang-daan ang bukas na talakayan sa mga isyung kinakaharap ng lipunan, partikular na ang mga problemang may kinalaman sa droga, kriminalidad, terorismo, at iba pa.
Bukod dito, layunin din ng aktibidad na hikayatin ang mga kabataan na maging responsable at higit sa lahat maging aktibong kalahok sa lahat ng mga programa ng pamahalaan para sa ikauunlad ng ating bansa.