Force Multipliers, nakiisa sa area security sa pagdiriwang ng Town Fiesta ng Julita, Leyte
Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang area security sa “Music Festival” kaugnay ng pagdiriwang ng Town Fiesta ng Julita, Leyte nito lamang Martes ika-5 ng Agosto 2025.
Ang aktibidad ay sumasalamin sa maagap na diskarte ng Julita Municipal Police Station at Force Multipliers sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga kaganapan sa komunidad.
Layunin ng naturang pagtutulungan na magkaroon ng tagapagpatupad ng batas na handang tumugon kaagad sa anumang mga insidente at magsulong ng ligtas na kapaligiran para sa lahat ng kalahok.
Bukod pa rito, nais din ng naturang ugnayan na patatagin ang samahan ng kapulisan at ng komunidad, upang tugunan ang mga suliranin sa lipunan.