Ugac Integrated School, nakiisa sa Awareness Lecture ng Tuguegarao City PNP
Nagsagawa ng awareness lecture ang Tuguegarao Component City Police Station, at Cagayan Police Provincial Office sa Ugac Sur, Tuguegarao City nito lamang ikaw-6 ng Agosto 2025.
Pinangunahan ng Tuguegarao Component City Police Station ang aktibidad kasama ang mga guro at mag-aaral ng Ugac Integrated School.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagtatapos ng Buwan ng Nutrisyon, kung saan binigyang-diin ni PEMS Angelicca Lozada, Senior CCADS, PNCO ang pagsunod sa mga panuntunan sa batas trapiko at pag-iwas sa iligal na droga.

Sa pagtatapos, namahagi si PEMS Lozada ng mga school bag at sumbrero sa mga estudyante.
Sa kabuuan, naging matagumpay ang isinagawang awareness lecture, na nagpapakita ng malakas na pakikipagtulungan ng Tuguegarao Component City Police Station at ng Ugac Integrated School sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng kahalagahan ng pagsunod sa batas trapiko at pag-iwas sa iligal na droga. Ito ay isang hakbang tungo sa isang mas ligtas at maayos na komunidad.
Source: Tuguegarao Component City Police Station