BPATS, aktibong nakikipagtulungan sa mga eskwelahan ng Quezon para sa Balik-Eslwela 2025
Sa layuning masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa pagbubukas ng klase, nagsagawa ng police assistance at traffic management operation ang Quezon Police Station katuwang ang mga kasapi ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) ng Barangay Alunan, Quezon, Isabela noong ika-8 ng Agosto 2025.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng programang “Balik Eskwela”, na layuning bigyan ng maayos at ligtas na kapaligiran ang mga mag-aaral, guro, at school personnel sa kanilang pagbabalik sa paaralan ngayong pasukan.
Bukod sa pagbibigay ng police visibility, isinagawa rin ang traffic control upang maiwasan ang anumang abala o aksidente sa mga kalsadang malapit sa paaralan. Ang pagkilos na ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng pambansang pamahalaan para sa isang ligtas, payapa, at makabuluhang pagbubukas ng klase.
Ang aktibong partisipasyon ng PNP at BPATS ay patunay ng kanilang matibay na suporta sa edukasyon at kapakanan ng mga mamamayan, lalo na ng kabataang mag-aaral.
Source: Quezon PS