Barangay Visitation, isinagawa sa Tagaytay
Bilang bahagi ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa komunidad, nagsagawa ng barangay visitation ang mga tauhan ng Tagaytay Component City Police Station sa Brgy. Silang Crossing East, Tagaytay City nito lamang ika-12 ng Agosto, 2025.
Sa naturang aktibidad, tinalakay ng kapulisan sa mga opisyal at residente ng barangay ang mga isyung may kinalaman sa kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng pamayanan, gayundin ang mga programa at kampanya ng PNP laban sa kriminalidad at para sa pagpapanatili ng ligtas na komunidad.
Layunin ng barangay visitation na mapatatag ang kooperasyon sa pagitan ng kapulisan at mamamayan, at masigurong napapakinggan ang mga pangangailangan at hinaing ng bawat sektor sa lugar.
Ito ay patunay ng matibay na ugnayan ng kapulisan at komunidad—isang mahalagang hakbang upang patuloy na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat mamamayan sa Tagaytay City.