Oplan Galugad, isinagawa ng BPATs at Kapulisan sa Bulacan

0

Bilang bahagi ng pagpapatupad ng “JBM Patrol System” (Joint Police, Barangay Peacekeeping Action Teams, Mobilization towards Crime Prevention and Detection in Central Luzon), nagsagawa ng Oplan-Galugad ang mga tauhan ng Santa Maria Municipal Police Station sa pangunguna ni PLT DANIEL ORTEGA JR., kasama ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) ng Barangay Catmon, noong Nobyembre 10, 2026, simula 10:00 ng gabi sa Barangay Sto. Tomas, Santa Maria, Bulacan.

Layunin ng nasabing aktibidad na palakasin ang presensya ng kapulisan sa komunidad, hikayatin ang pakikiisa ng mga mamamayan, maiwasan ang anumang uri ng krimen, at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga residente sa nasabing lugar.

Patuloy ang Santa Maria Municipal Police Station sa pakikipagtulungan sa mga barangay upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa buong komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *