Mandaluyong CPS, nagsagawa ng School Safety during Active Shooting Lecture sa Doña Pilar Elementary School
Nagsagawa ang Mandaluyong City Police Station (Mandaluyong CPS), sa pamamagitan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) Unit, ng lecture tungkol sa School Safety During Active Shooting sa Doña Pilar Elementary School, Brgy. Hagdang Bato Itaas, Mandaluyong City, noong Nobyembre 10, 2026.
Layunin ng aktibidad na bigyan ang mga kawani ng paaralan at mga mag-aaral ng mahahalagang kaalaman at gabay sa tamang pagtugon, mga hakbang sa pag-iingat, at mga emergency protocol sakaling magkaroon ng insidente ng pamamaril sa loob o paligid ng paaralan.
Sa ilalim ng pamumuno ni PCol Rey G. Ochavo, Officer-in-Charge ng Mandaluyong CPS, binibigyang-diin ng inisyatibang ito ang kahalagahan ng maagap na paghahanda, pagpapalawak ng kaalaman sa kaligtasan, at pagtutulungan ng kapulisan at komunidad upang mapangalagaan ang buhay at kapakanan ng mga mag-aaral at kawani ng paaralan.
Patuloy namang isinusulong ng Mandaluyong CPS ang mga programang pang-edukasyon at pangkaligtasan bilang bahagi ng pangako nitong protektahan ang mga paaralan at palakasin ang ligtas na pamayanan.
Source: Mandaluyong CPS (https://www.facebook.com/share/p/1M34kti2Xp/?mibextid=wwXIfr)