Barangay Peacekeeping Action Team ng Cordon, sumailalim sa pagsasanay
Sumailalim sa isang pagsasanay ang 26 Barangay Force multipliers na miyembro ng Cordon Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) na ginanap sa Community Center, Cordon Isabela nitong ika-12 ng Agosto, 2025.
Ang aktibidad ay nakatuon sa kahalagahan ng tungkulin at responsibilidad ng BPATs tinalakay din ang Basic Investigation, Basic Arrest Techniques, Basic Life Support, at mga kasong sakop ng Katarungang Pambarangay.
Layunin ng programa na palawigin ang ugnayan at pagtutulungan ng Kapulisan, Advocacy Support Groups, Force Multipliers at ng Komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.
Samantala, nagpahayag naman ng buong suporta ang Lokal na Pamahalaan ng Cordon sa mga kalahok at pinuri ang kanilang dedikasyon sa kanilang pagtupad ng tungkulin bilang kaagapay ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan.
Source: Cordon PS