2nd Semester BCPC at VAWC Desk Training Workshop, isinagawa sa Almeria, Biliran

0
viber_image_2025-08-13_16-36-10-356

Matagumpay na isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office at Department of the Interior and Local Government ang 2nd Semester Barangay Council for the Protection of Children at VAWC Desk Training Workshop sa Almeria, Biliran nito lamang Agosto 12, 2025.

Ang aktibidad ay pinarangalan ni Hon. Maria B. Sale, Municipal Mayor kasama sina Mr. Ritchie Peñaflor, MLGOO at Ms. Hanna Grace M. Escayde, MSWD sa pakikipagtulungan sa Almeria Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Alberto A Parena, Officer-In-Charge.

Tinalakay sa pagpupulong ang tungkol sa Roles and responsibilities of VAWC desk officers, Case handling procedures for VAWC cases, Barangay Protection Orders at Case management and referral process.

Sa hapon, nagkaroon naman ng isang interactive na workshop at role-playing ang mga kalahok kung saan ginamit nila ang kanilang mga natutunan sa mga nakakaengganyo at praktikal na mga aktibidad.

Ang inisyatiba ay isang mahalagang hakbang tungo sa paggagabay sa mga barangay official upang tiyakin ang mas malakas, mas magkakaugnay na tugon sa pagprotekta sa mga karapatan at kapakanan ng mga kababaihan at mga bata sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *