Community Engagement, isinagawa sa San Andres, Catanduanes
Matagumpay na naisagawa ng San Andres Municipal Police Station sa pamumuno ni PMAJ FRANCIS T TABO I, Chief of Police, ang pakikipag-ugnayan sa mamamayan sa pamamagitan ng sunod-sunod na Awareness Lectures sa mga barangay at paaralan nitong ika-14 ng Agosto 2025 sa isang paaralan sa San Adres, Catanduanes.
Ang naturang community engagement ay unang isinagawa ng kapulisan sa Manambrag Elementary School, na sinundan naman sa Mayngaway National High School sa hapon.
Bukod dito, lumahok din ang grupo sa Unlad Kabataan Program na inisyatiba naman ng LGU, kung saan nagsilbi rin ang ilang PNP perosnnel bilang isa sa mga pangunahing tagapagsalita sa programang ginanap sa Amenia Beach Resort ng nasabing bayan.
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng komunidad, lalo na ng kabataan, hinggil sa iba’t ibang isyu sa kaligtasan at kapayapaan.
Patunay ang mga gawaing ito sa patuloy na dedikasyon ng San Andres MPS na maghatid ng kaalaman, magpatatag ng ugnayan, at magbigay proteksiyon sa bawat mamamayan ng San Andres.
Source: San Andres MPS Catanduanes PPO