Dampigan National High School, nakilahok sa Symposium, Blood Typing at Blood Pressure Monitoring sa Tacloban City

0
viber_image_2025-08-16_17-11-54-033

Aktibong nilahukan ng mga mag-aaral ng Dampigan National High School ang isinagawang symposium, blood typing at blood pressure monitoring sa Brgy. Dampigan, Sta. Rita, Samar nito lamang Biyernes ika-15 ng Agosto 2025.

Ang aktibbidad ay inisyatiba ng 805th Maneuver Company, RMFB 8 sa pangangasiwa ni Police Major Tyrone Mark A Cartalla, Company Commander, kasama si Ms. Keena M. Mate, Epidemiology and Surveillance Officer, RAGPTD 8 member.

Ang mga paksang tinalakay ay Anti-Terrorism, R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children, RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Teenage Pregnancy.

Ang aktibidad ng blood typing ay naglalayong bigyan ang mga indibidwal ng mahahalagang impormasyon sa kalusugan na maaaring kakailanganin sa panahon ng mga medical emergency. Habang ang pagsubaybay sa blood pressure ay naglalayong isulong ang maagang pagtuklas at pag-iwas sa mga sakit na nauugnay sa hypertension.

Nilalayon din ng aktibidad na makibahagi ang naturang mga indibidwal sa paglaban sa mga lumalaganap na isyu sa lipunan.

Ang pagtuturo sa mga komunidad kung paano kilalanin at tugunan ang mga hamon ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagpapaunlad ng isang ligtas, makatarungan, at mahabagin na lipunan para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *