Mga Estudyante ng Dr. Vivencio B. Villamayor Integrated School, aktibong lumahok sa lektyur ng Angono PNP
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-16 na Anibersaryo ng Dr. Vivencio B. Villamayor Integrated School, nagsagawa ng lektyur ang Angono Municipal Police Station tungkol sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 nito lamang ika-15 ng Agosto 2025.
Sa talakayan, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkilala at pagpigil sa anumang uri ng pang-aabuso, gayundin ang pagtuturo sa kabataan upang maging matalino at handa silang protektahan ang kanilang sarili laban sa karahasan.
Lubos namang nakibahagi ang mga estudyante sa naturang aktibidad sa pamamagitan ng aktibong pakikinig at pagtatanong ng mga katanungang may kaugnayan sa kanilang kaligtasan at karapatan. Ipinakita nila ang kanilang interes at malasakit na maging kabahagi sa pagtataguyod ng isang ligtas at mapayapang komunidad.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng estratehiya ng Angono PNP upang mapanatili ang zero rape incident record sa kanilang nasasakupan. Sa kabilang banda, muling pinagtibay ng paaralan ang kanilang layunin na hindi lamang magbigay ng dekalidad na edukasyon kundi magsilbing haligi ng proteksyon at kamalayan para sa mga kabataan.