Updating of Comprehensive Development Plan para 2026-2030, isinagawa sa Calapan City

0
viber_image_2025-08-17_14-26-15-523

Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan City ang pag-update at pagbuo ng Comprehensive Development Plan para sa taong 2026 hanggang 2031 sa Calapan City Conversation Center Brgy Masipit Calapan City Oriental Mindoro nito lamang Agosto 15, 2025.

Pinangunahan ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon ang naturang aktibidad na magbibigay ng mas organisadong sistema, tungo sa pagkamit ng isang maayos na Bayan Sigurado.
Ito rin aniya ang magsisilbing ‘road map o compass’ ng Pamahalaang Lungsod upang magkaroon ng angkop at wastong direksyon na tatahakin ang mahal nating lungsod ng Calapan, tungo sa kaunlaran.

Suportado naman ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Bim Ignacio ang anumang mabubuong mga plano para sa ikabubuti at ikakaayos ng Calapan na kanilang pinaglilingkuran.

Naroroon at nakiisa rin ang mga namiminuno at bumubuo sa tanggapan ng Pamahalaang Lungsod, upang ipabatid ang kanilang buong suporta sa layon ng kasalukuyang administrasyon – isang mas maunlad na bayan ng Calapan.

Samantala, dinaluhan ng din iba’t ibang ahensya ng gobyerno katuwang ang Calapan City PNP , BJMP,LTO. at iba pa.

Ang CDP ay isang pagpaplano kung saan naka-paloob ang mga prayoridad na proyekto at programa ng Pamahalaang Lungsod na nakaka-apekto rin sa iba’t ibang sektor sa lipunan tulad na lamang sa usapin ng kalusugan, agrikultura, infrastructure projects, social services, peace and order, pagtugon sa climate change at marami pang iba.

Source: Calapan City

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *