Mahigit 100 tonelada ng basura, nakolekta sa Barangay Bagong Sikat sa 16th Save Puerto Princesa Bay
Mahigit 100 tonelada ng basura ang nakolekta sa baybayin ng Barangay Bagong Sikat sa isinagawang 16th Save Puerto Princesa Bay nitong August 18, 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni City Mayor Lucilo Bayron, kasama ang mga kinatawan mula sa Puerto Princesa City Police Office, DENR-CENRO, PENRO Palawan, Agriculture Office, Solid Waste Management Office, at iba pang grupo ng mamamayan at pribadong sektor.
Umabot sa kabuuang 103.63 tonelada ang basurang nakolekta, sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at suporta ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, residente, at pribadong sektor, samantala inihatid sa Sanitary Landfill sa Brgy. Sta. Lourdes ang kanilang mga basurang nahakot sa loob ng maghapon.
Lubos naman ang pasasalamat ng alkalde sa mga nakilahok sa nasabing aktibidad, na naglalayong panatilihing malinis at protektado ang karagatan ng Puerto Princesa, at palawakin ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.
Source: Palawan Island Network